Kung ito ang iyong nais, malugod na pinananawagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang mga sumusunod na paunawa sa lahat ng kwalipikadong aplikante:
Ang Pilipinas at Taiwan ay nagkasundo nitong 3 Agosto 2015, sa pamamagitan ng kani-kaniyang Kagawaran ng Paggawa na gamitin ang International Direct E-recruitment System (IDES) upang pabilisin ang proseso ng pagkuha ng mga OFWs para sa mga kwalipikadong Taiwanese employers sa sektor ng manufacturing, construction at domestic work para sa SHPT. Ang SHPT ay ipinatutupad sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno: ang POEA sa Pilipinas at ang Direct Hiring Service Center - Workforce Development Agency ng Taiwan, kabilang ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) at ang Taipei Economic and Cultural Office (TECO).
Upang magkaroon ng pagkakataong mapili ng employer, ang mga aplikante ay dapat nasa kategorya na ‘handa sa mabilis na pag-alis’, na ibig sabihin ay:
Taglay ang mga dokumentong kinakailangan:
Ang minimum salary para sa SHPT workers ay:
Ang authorized salary deductions ay para sa kontribusyon sa National Health Insurance, Labor Insurance Insurance at Income Tax. Ang pang-unang kontrata ay para sa loob ng 3 taon at maaring pahabain hanggang 12 taon kung nais ng magkabilang panig (OFW at Employer).
Ang mga babayaran ay para sa:
Hintayin ang mga susunod na anunsyo ng POEA sa website (www.poea.gov.ph) sa pagsisimula ng SHPT IDES e-registration at iba pang mga tagubilin. Layunin ng SHPT IDES na pagtugmain sa mabilis na paraan ang mahusay na OFW para sa mahusay na nangangailangang Taiwanese employer.
1) Tiyakin kung tumutugon sa mga kwalipikasyon na binabanggit sa anunsyo na 'travel-ready' applicants (may bisa ng hindi bababa sa 1 taon ang taglay na pasaporte, may unified multi-purpose identification card, nasa tamang edad at may mabuting kalusugan.
2) Mag log-on sa POEA e-registration system https://eservices.poea.gov.ph at piliin ang Taiwan bilang destination.
Ang mga dati nang nag e-register ay dapat mag update ng lahat ng kailangang impormasyon gamit ang T-IDES.
3) Mag log-on sa POEA pre-employment orientation seminar (peos.poea.gov.ph) at tapusin ang online seminar at i-print ang PEOS certificate.
4) Ihanda at isumite ang kopya ng inyong mga dokumento sa POEA main office o sa regional offices matapos tumanggap ng abiso mula sa POEA sa pamamagitan ng anunsyo sa website (www.poea.gov.ph), SMS, o email na galing sa POEA. Mag-ingat at siguraduhing ito ay galing sa POEA. Magduda kung may hinihinging kabayaran ukol sa aplikasyon pa lamang. Ang mga kailangang dokumento na beberipikahin ang original copy ay:
5) Kayo ay kukunan ng digital photograph o litrato pagpunta sa POEA upang isama sa inyong T-IDES application profile na siyang makikita ng mga naghahanap na Taiwanese employers. Yaon lamang nakatugon sa lahat ng hinahanap sa aplikante ang maisasama ang pangalan sa T-IDES database kung saan dito pipili ang mga employer kung sino ang bibigyan ng employment offer.
6. Ang employer ay maaaring mag-interview muna o agarang pumili mula sa aplikante na nag match sa qualifications na hinahanap gamit ang electronic system ng T-IDES.
7. Kung sinong aplikante ang mauunang tumugon sa employment offer at mga requirements ang siyang matutuloy sa proseso ng documentation.
8. Matapos mapili ng employer, dadaan sa medical examination, visa application, training/seminar, travel booking ang mga manggagawang patungo sa Taiwan sa mabilis at takdang panahon. Libre ang comprehensive pre-departure seminar mula sa OWWA para sa domestic workers at caretakers. Dapat din sumailalim sa medical examination ng DOH-accredited medical clinic na inyong pinili.
Kung may katanungan ukol sa application o e-registration, mag-email sa ides@poea.gov.ph upang kayo ay magabayan.
Salamat po.
Pre-Deployment (approximated)
Type of Fees | Amount in Php |
---|---|
POEA Processing /OEC (US$50) | 2,253.21 |
OWWA contribution (US$25) | 1,126.61 |
Phil-Health Contribution | 2,400.00 |
Pag-IBIG Contribution | 600.00 |
SSS UMID | 1,650.00 |
TESDA Certification | 500.00 |
Passport Fee | 1,200.00 |
NBI Clearance | 115.00 |
NSO Birth Certificate | 140.00 |
Medical Fee | 2,500.00 |
Visa Fee | 2,800.00 |
Airfare | 7,500.00 |
Post–Arrival (approximated)
Type of Deduction | NT$ | Frequency |
---|---|---|
Labor Insurance (Formal Sector only) | 360 | Monthly |
National Health Insurance (Formal and informal sectors) | 295 | Monthly |
Food and Accommodation | NT$0 - NT$4,000 | Monthly |
Income Tax (computation varies, based on several factors- total income received with overtime pay, length of stay, exemptions – spouse, dependents, etc.) | Approximate range NT$0 -NT$36,000 | Yearly |
Medical Check Up (3 days upon arrival; after 6th, 18th, 30th months) | 1,800 each time | 4 x in three years |
Alien Residence Certificate | 1,000 | Yearly |
1. For the informal sector, deductions range from NT$20,820 to NT$22,373 for 3 years or NT$578 to NT$621 per month.
2. For the formal sector, deductions range from NT$33,780 to NT$285,780 for 3 years or NT$938 to NT$7,938 per month. |
Hotlines: 722-11-44,
722-11-55
Email: info@poea.gov.ph
Copyright 2016 © Philippine Overseas Employment Administration. All Rights Reserved