Ano ang mga tulong sa paghahanap ng trabaho sa ilalim ng Assist WELL?
Mga hakbangin kung naghahanap ng trabaho (Lokal)
-
OPSYON "A" : Kung ang gustong trabaho ay malapit sa tinitirahan, ang OFW ay maaaring makipag-ugnayan sa DOLE Regional Field Office o kaya ay sa Public Employment Service Office (PESO) sa lokal na pamahalaan.
-
OPSYON "B" : Kung ang gustong trabaho ay malayo sa tinitirahan, ang OFW ay maaaring magrehistro sa Phil-JobNet, na maa-access sa www.phil-jobnet.dole.gov.ph. Bilang aplikante, ang OFW ay maaaring mag-job matching at mag-print ng referral letter sa Phil-JobNet. Dalhin ang referral letter sa kumpanya kung saan siya nag-match at dumaan sa regular na proseso ng pag-apply ng trabaho.
Ang Bureau of Local Employment (BLE), ang ahensya ng DOLE pagdating sa local employment facilitation ay nakahandang tumulong sa mga napauwing manggagawa sa paghahanap ng lokal na empleyo sa pamamagitan ng DOLE Regional Field Offices o kaya ay PESO.
Para sa karagdagang kaalaman sa mga programa ng DOLE pagdating sa lokal na empleyo at labor market information, katulad ng job fair, makipag-ugnayan sa aming DOLE Regional Offices, o sa BLE:
BUREAU OF LOCAL EMPLOYMENT
6th Floor, BF Condominium, Corner Solana & Soriano Streets
Intramuros, Manila Telepono Blg.:
(02) 527-2453;
Fax No.: (02) 527 2421
E-mail Address: od_ble@yahoo.com
Mga hakbangin kung naghahanap ng trabaho (Ibang bansa)
1. Pumunta o bumisita sa tanggapang sentral ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o kaya ay sa mga POEA Regional Centers, Extension Units, o Satellite Offices na matatagpuan sa 16 na lokasyon na nasa direktoryo na kalakip ng flyer na ito. Humingi ng referral letter para sa mga lisensiyadong ahensya na may POEA-approved job order para sa job vacancies na angkop sa kakayahan o sang-ayon sa interes ng aplikante.
2. Ang listahan ng available overseas job vacancies ay makikita rin sa POEA website na maa-access sa www.poea.gov.ph.
Ang POEA ang ahensya ng DOLE na nangangasiwa sa programa para sa overseas employment. Tumutulong ito sa mga napauwing OFW upang makahanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION
Manpower Registry Division G/F Blas F. Ople Building,
Ortigas Avenue corner EDSA
Mandaluyong City
Telepono Blg. (02) 722 1146 (02) 722 1172
E-mail Address: info@poea.gov.ph
Verify Status of Recruitment Agencies
Find Approved Job Orders of Licensed Agencies
Look for Local Jobs at PHIL-Jobnet